
University of the Philippines
College of Nursing
Pedro Gil, Manila
Philippines
| MENSAHE |
05.21.05
Sabado
Kumusta Na?
Kumusta ka na kabayan? kaibigan? klasmeyt? kung sino o ano ka man? Salamat at napadaan kang muli sa aking munting sulok ng daigdig.
Apat na taon na ang nakalipas mula nang huli kong mensahe dito. Kayrami nang pagbabago ang nangyari. Sa huli kong mensahe ay nabanggit ko na tinanggap ko ang posisyon na "nursing supervisor" sa nursing home na pinagtatrabahuhan ko. Tumagal din ako ng dalawang taon doon, pero kinailangan kong umalis at magtrabaho sa ospital dahil kung hindi ay baka nabaliw na ako ngayon! Sa kasalukuyan ay nag-aalaga ako ng mga premature at may sakit na mga sanggol. Kagiliw-giliw ang mga pasente ko ngayon, kumpara sa mga matatandang inalagaan ko noon. Nag-asawa ako dalawa't kalahating taon na ang nakakalipas. Hinihintay na lang naming dumating ang una naming anak. Any day now!
Pasensya na kung hindi updated itong website na ito. Mahirap nang makahanap ng oras para magkalikot nito. Kung ang hanap niyo ay paraan para ma-contact ang mga kaklase niyo nung kolehiyo, may mga sari-saring yahoo!groups na pwede niyong salihan. Heto ang ilan: upcn-collective, upcn98, upmns, upnursescircle93, ... kung may nais kayong idagdag ay i-email niyo lang sa akin.
Nagmamahal,
Mike
Mabuhay! Welcome to the UPCN Collective. This site serves as a cyberlink to interconnect individuals currently or formerly affiliated with the University of the Philippines College of Nursing. This site is updated and modified according to the viewers' request and suggestions. Comments or any other message for the webmaster may be emailed to dbulan@comcast.net.
Created: October 1997
Revised: 21 May 2005
best viewed using
[about the author]
This University of the Philippines Web Ring site owned by M Bulan.
[
Previous 5 Sites
|
Previous
|
Next
|
Next 5 Sites
|
Random Site
|
List Sites
]